Sumakay ako ng jeep, tapos na naman ang trabaho. Panibagong araw na nagdaan, uuwi na rin ako sa wakas. Ang dami ko ginawa, sana naman may matuwa kahit papaano. Magbibilang na naman ulit ako ng dalawang linggo para sa sweldo. Okay lang, panibagong araw na may natutunan ako.
Gusto ko ng tugtog. Gusto ko ng musika. Nawala ako sa sarili ko sa mga sinabi ng kaibigan ko. Naiintidihan ko naman, pero nagtataka lang talaga ako sa sarili ko. Naulit na naman… Ewan!
Buti na lang nagpatugtog si manong driver… Bago lang sa pandinig ko yung boses ng kumakanta… Pero parang pamilyar… Ang lamig sa pandinig… Siguro tama yung kanta nya…
KORO.
Hindi ako nasasaktan
Hindi kita kinakailangan
Hindi ako nagdaramdam
IMPOSIBLE!
Pag-ibig mo’y limot ko na
Hindi kita naaalala
Hindi na ‘ko aasa pa
IMPOSIBLE!
Di mo pa ba nakukuha?
Hoy, naririnig mo ba ako
Pakiusap, pakiusap naman
Pakinggan mo na lang itong binubulong
Ng puso ko sa puso mo
At hindi itong sinasabi ko, woahhh…
Koda.
Sa bawat araw at gabi
Hinding hindi kita naiisip
Kahit man lang isang saglit
IMPOSIBLE!
Pilitin mang limutin ka
Ngunit hinding hindi magawa
Paano nga ba magawa
Ang IMPOSIBLE?




















Recent Commentots!