Patawad ay isang salitang animo’y isang parusa.
Ito’y sasambitin mo lang kung lahat ay huli na at di na
maibabalik ang dating pinagsamahan.
Parang putik sa mukha na pinahid ng pabalang.
Sa iyo lahat ay paharang dahil ayaw mong magparaya.
Habang siya’y bigay ng bigay at ipinauubaya lahat ng makakabuti.
Kahit pa ang huling butil ay iaabot sa iyo.
Parang ika’y isang inutil na hindi nagiisip.
Wala kang nararamdaman subukan mang pumikit.
Wala kang natatandaan lagi mong inaalala ang para lamang sa yo.
Walang iba kundi ikaw at kailanma’y walang kayo.
Mapalad ka kung hihingan mo ng tawad ay nagagalit.
Pag nasasaktan sumisigaw ng salitang pumupunit.
Kahit sabihin mong kausapin ay di na sasagot.
Akapin man ng mahigpit ay di mo na maabot, patawad…
Tayoy’y nagkagulo’t nagsigawan at halos magtulakan.
Sa galit ko ako’y lumayas at di ka binalikan.
Sinuyog ang lahat ng pangako at ang pagmamahal.
Sumpaan natin sa isa’t isa di rin nagtagal.
Ang gabi ay laging umaga, umaga’y laging gabi.
Ako’y gumugising ng di ko kilala ang katabi.
Paulit ulit na ganito, ngunit ng aking makita larawan mo
sa loob ng aking lumang pitaka ay nalaman ko…
Hinanap ko ang tunay na sarili ko.
Nakita ko nalaman ko ito ay nasa piling mo.
Inipon ang lahat ng aking lakas ng loob,
ngunit bakit parang hindi rin maganda ang aking kutob.
Nilapitan ka at pilit na tinitingan sa mata.
Ako’y nagdarasal na sabihin mo sa kin pwede pa.
Ika’y hindi kumikibo at parang lumalayo,
tila pagibig mo sa kin tuluyan na natuyo…

Recent Commentots!