pabula


Sa paligsahan ng Karera Ng Buhay, naging magkaibigan sila pagong at kuneho. Mahaba ang nasabing patimpalak na naging dahilan upang magkakilala ng lubusan ang dalawang kalahok. Maaaring maituring na sila’y naging magkaibigan dahilan upang buksan ang mga aklat ng kanilang buhay sa kabila ng napakahabang Karera Ng Buhay.

Nakilala ng lubos ni kuneho si pagong, masayahin, matalino at sumusubok ng kahit na anung bagay na mapapagtuunan ng kanyang lakas sa paligsahan. Ganun din naman si pagong kay kuneho, na tulad ny’ay masayahin, matalino at mapagtanong sa bawat punto ng karera. Nagkaroon ng pagkakataon na naglabas ng saloobin ang magkaibigan kaugnay sa mga plano nila sa hinaharap, sa kanikanilang mga buhay at sa buong takbo ng karera.

Pagong: Bro, ikakasal na pala talaga ako… Hindi ko na ito maiiwasan. Alam mo naman mga itinago kong sikreto kay butanding (mapapangasawa ni pagong) hindi ba?

Kuneho: Oo naman bro, wala sa akin yun. Kaibigan ko pa rin naman kayong maituturing ni gansa.

— Sa haba ng karera ay nagkaroon ng kaibigan sila pagong at kuneho. Nandyan sila leon, gansa at ibon. Sa grupo ng mga nagsipaglahok, silang lima ang naging magkakatulong sa buong karera. Anumang pagsubok sa loob ng karera ay kanilang nalampasan. Naging malapit na maituturing ang dalawa sa grupo, sila gansa at pagong na naging dahilan upang umibig si gansa kay pagong. Datapuwa’t alam ni gansa ang nalalapit na kasal ni pagong kay butanding. Tanggap iyon ng grupo, at sa tatlo pa nilang kaibigan, kay kuneho inilahad ni pagong ang kanyang mga sikreto.

Pagong: Sa wakas, sa kabila ng mga nangyari at naranasan ko sa iba’t ibang kalahok sa paligsahan na ito ay aking nalampasan ang mga naging pagsubok sa aming relasyon ni butanding.

Kuneho: Ganun naman talaga bro, dumarating ang lahat ng iyon sa ating mga relasyon. Alam ko na matalino ka at alam mo rin naman ang patutunguhan ng mga naging pakikipagsapalaran mo sa pagibig. Swerte ka na rin naman na matatawag kay butanding.

Pagong: Kailangan nga talaga bro at hindi ko na maitatanggi na gagawin lahat ni butanding ang lahat ng bagay na pwedeng gawin upang gumanda ang aming relasyon. Hindi ko na marahil maiisip pa na lumayo pagkatapos ng aming kasal. Sasamahan ko siya sa lahat ng panahon at pagkakataon, habambuhay.

Kuneho: Ako nga bro e, marami pa rin akong mararanasan, marami pa rin akong dapat isipin at planuhin sa buhay. Hanggat maari ay maibigay ko ang lubos na ginhawa sa magiging pamilya ko sa hinaharap. Iniisip ko na pumunta sa Bayan ng Yelo, ang lahat ay dapat pagplanuhan talaga…

Pagong: Huwag kang magalala bro, darating ka rin sa pagkakataon na iyon, ako’y nagsisilbing aral mo sa ngayon upang makita mo lahat ang pwede kahinatnan ng pwedeng maging pakikipagsapalaran mo sa pagibig, mga munting pagsubok sa relasyon at pagtanggap sa mga naaayong bagay. Hehe, easy ka lang bro.

13 thoughts on “pabula

  1. hi,

    fyi lang po.. parabula = kwento from the bible mostly by Jesus Christ..yun pong mga kwento na nagsasalita or bida ang mga hayop/animals ang tawag po doon ay pabula..

    ^_^

    chel

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s